Lopez Alexander Lopez, bagong tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC)

Diplomatic protest ng PH vs China ikinakasa na

Chona Yu Aug 20, 2024
69 Views

IKINAKASA na ng Pilipinas ang muling paghahain ng diplomatic protest laban sa China matapos ang panibagong banggaan ng barko ng China at Pilipinas sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Alexander Lopez, bagong tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC), na bukod sa paghahain ng diplomatic protest, pinag-aaralan na rin ng Pilipinas na dalhin sa international body ang mga pangha-harass ng China sa Pilipinas.

“We are looking at that, especially at the part of the Coast Guard because they know more of how to go about it,” pahayag ni Lopez.

Hindi kasi maaaring ikasa ang kinetic action dahil wala itong Magandang maidudulot sa dalawang bansa, ayon sa opisyal.

Sinabi naman ni Presidential Assistant on Maritime Concerns Secretary Andres Centino na kasama na ngayon sa NMC ang Solicitor General, National Intelligence Coordinating Agency at National Security Council para mapadali ang paghahain ng legal action sa international body laban sa China.

Ayon kay Centino, isa sa mga international body na maaaring idulog ang kaso sa United Nations bodies.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, nasira ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) matapos bangngin ng barko ng China habang naglalayag sa Patag at Lawak Islands malapit Escoda Shoal.