Cong Robert

Libanan kay Bato, DU30: Kung wala kayong kasalanan, bakit di kayo humarap sa Quad Comm?

Mar Rodriguez Sep 1, 2024
56 Views

𝗞UNG 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻, b𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗱𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 Quad Comm?

Ito ang mensahe ni House Minoriry Leader at 4Ps Party List. Cong. Marcelino “Nonoy” C. Libanan patungkol kina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinang-ayunan ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Ribert Ace S. Barbers.

Ayon kay Barbers, napaka-importanteng ilantad nina Dela Rosa at Duterte ang katotohanan kaugnay sa kanilang papel sa pagkamatay ng tinatayang mahigit 27,000 Pilipino hinggil sa pagpapatupad nila ng madugong war-on-drugs campaign noong panahon ng administrasyon ni Duterte.

Paliwanag pa ni Barbers na upang mawala ang mga agam-agam kina Dela Rosa at Duterte, mas mainam kung haharapin na lamang nila ang kontrobersiyang ikinukulapol laban sa kanila sa pamamagitan ng pagharap nila sa isinasagawang imbestihasyon ngng Quad Committee ng Kamara de Rpresentantes.

Nauna rito, naninindigan si Barbers na ang pinaka-layunin ng Quad Committee na binubuo ng apat na “standing Committee” sa Kongreso na mapalabas ang buong katotohanan patungkol sa mga kontrobersiyal na issue gaya ng extrajudicial killings (EJK), madugong war-on-drugs campaign at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sabi ng kongresista na ang mga nabanggit na issue ay ikinakabit sa pangalan nina Dela Rosa at Duterte kaya kinakailangan nila talaga aniyang magpakita sa imbestigasyon ng Kamara upang pabulaanan o kumpirmahin ang mga seryosong alegasyon laban sa kanila base sa testimonya ng mga testigo.

Dinepensahan din ni Barbers ang pagsisiyasat ng Quad Committee laban sa mga ibinabatong pahayag ng dating Pangulo na nagsabing ang kanilang imbestigasyon ay bahagi lamang ng tinatawag na “political persecution” laban sa pamilya Duterte. Kung saan, binigyang diin ng mambabatas na ang katotohanan lamang aniya ang nais palitawin ng Quad Committee tungkol sa mga nasabing isyu.

𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆