Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
Mahigit 8M Pinoy may PhilID na
Peoples Taliba Editor
Mar 23, 2022
510
Views
MAHIGIT walong milyong Pilipino na ang nabigyan ng Philippine Identification cards ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista umabot na sa 8,176,454 ID cards ang naihatid na sa mga nag-apply.ito ay 24.2 porsyento umano ng target na 33.8 milyong Pilipino na mabigyan ng PhilID ngayong taon.
Katuwang ng PSA sa proyekto ang Philippine Postal Corporation at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nagbabala naman ang PSA sa mga nakatanggap na ng PhilID na huwag i-post sa social media ang kanilang ID upang maproteksyunan ang kanilang mga personal na impormasyon.

