Calendar
Pamamahala sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Angara, mas magiging maayos – Valeriano
๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐ช๐๐๐ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ต๐ฎ๐บ๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ฎ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ผ๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ) ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐๐บ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ. ๐๐ฑ๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ผ “๐ฆ๐ผ๐ป๐ป๐” ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ “๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ”.
Ito ang pananaw ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na sa nakikita nito ay magiging maayos ang pagpapatakbo ng naturang ahensiya kumpara sa dating namamahala dito na nag-iwan ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya at eskandalo patungkol sa usapin ng intelligence fund.
Sinang-ayunan din ni Valeriano ang opinyon ng kapwa nito kongresista na nagsabi na tamang tama si Angara para maging Kalihim ng DepEd dahil sa pagiging accommodating nito at ang pagkakaroon nito ng malasakit para sa mga guro sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng mga panukalang batas para itaas ang sahod ng mga teachers.
Ikinadismaya din ng kongresista ang nalantad o nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Appropriations tungkol sa P793.18 bilyong budget ng DepEd kasama na ang mga attached agencies nito para sa 2025. Kung saan, natuklasan na napakaraming problema ang iniwan ng dating Kalihim ng DepEd na si Vice-President Inday Sara Duterte.
Sabi ni Valeriano na kabilang sa mga problemang iniwan ni VP Sara ay ang MATATAG Curiculum na nagdulot aniya ng napakalaking pahirap para sa mga guro sa high school na ngayon ay mayroong 7-8 load kada araw na ang bawat klase ay tumatagal ng 45 minuto.
Nauna rito, iminumungkahi naman ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st Dist. Cong. Zia Alonto Adiong sa DepEd na papanagutin ang mga supplier na nabigong matupad ang kontrata para sa Last Mile Schools Program noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang sa pamunuan ni VP Sara Duterte ang DepEd bilang Kalihim.
Paliwanag ni Adiong na 50% lang ng P20.54 bilyong pondo ang nagamit na maituturing aniya na isang “disservice” sa mga mag-aaral na nasa malayong lugar gaya ng lalawigan.