DPPAR ginawa sa Calamba
Jun 7, 2025
Parak-NE nagsagawa ng simulation exercises
Jun 7, 2025
Calendar

Provincial
Lalaki patay sa di kilalang assassin sa Rizal
Jojo Cesar Magsombol
Sep 5, 2024
334
Views
PATAY ang isang lalaki kamakailan nang barilin ng hindi nakilalang salarin sa Phase 1, San Lorenzo Ruiz, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Isang tawag sa telepono pasado alas-5:30 ng umaga nang matanggap ng duty desk ng Taytay police na binaril ang biktimang si Mark Lester Mariano y Abordo.
Napag-alaman ng mga pulis na bandang alas-4:00 ng umaga nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa lugar.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ng bystander ang biktima na gumagapang at may mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Dinala ang duguang biktima sa Rizal Medical Center sa Pasig City ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Keni Cai.
DPPAR ginawa sa Calamba
Jun 7, 2025
Parak-NE nagsagawa ng simulation exercises
Jun 7, 2025
Pulis sa Lipa inaresto 2 hinihinalang tulak
Jun 7, 2025
4 drug suspek tiklo sa Rizal
Jun 7, 2025