Martin Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay ina-asiste nina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Mindanao Development Authority Secretary Leo Teroso Magno, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre,Marino Partylist Rep Sandro Gonzales, PBA Partylist Rep. Margarita “Migz” Nograles at DUMPER Partylist Rep. Claudine Bautista-Lim sa pamamahagi ng ayuda mula 38 na nakilahok na ahensiya ng gobyerno kasunod ng pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa University of South Eastern Philippines Campus Gymnasium sa Davao City Huwebes ng umaga. Kuha ni VER NOVENO

BPSF ni PBBMM nagdala ng P1.2B halaga ng tulong, serbisyo sa Davao

42 Views

Martin1Martin2Martin3Martin4NAGTUNGO ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puso ng Davao Region, dala ang P1.2 bilyong halaga ng tulong at serbisyo ng gobyerno para sa 250,000 benepisyaryo sa Davao City sa dalawang araw na event na nagsimula ngayong Huwebes.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing tagapagsulong ng BPSF, ang serbisyo caravan sa Davao City ay naging posible sa tulong ng Mindanao Development Authority (MinDA). Ang programa ay may temang “MindaNOW: Serbisyo Para sa Mindanao.”

“Nagbalik tayong muli dito para ipabatid ang mensahe ni Pangulong Marcos na mahalaga ang mga taga-Mindanao sa Bagong Pilipinas. No one is left behind. Iyan ang nais ipabatid ng ating mahal na Pangulo sa lahat ng nabisita ng BPSF sa ating bansa,” ayon kay Speaker Romualdez.

Si Speaker Romualdez ang kumatawan kay Pangulong Marcos sa pagbubukas ng BPSF sa Davao City, na ginanap sa University of Southeastern Philippines.

“At dahil sa pagkakaisa ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan, kasama ang mga miyembro ng Kongreso, muli tayong nakapaghatid ng serbisyo’t tulong sa mga taga-Davao. Isusulong natin ang Bagong Pilipinas na ang lahat ng programa ng gobyerno, nadadama ng bawat Pilipino,” ayon sa pinuno ng Kamara na binubuo ng mahigit sa 300-kinatawan.

Ang BPSF sa Davao City ay ang ika-23 sa serye ng serbisyo caravan at si MinDA Sec. Leo Tereso Magno ang nagsilbing lokal na punong abala katuwang sina Tinggog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude A. Acidre, DUMPER PTDA Rep. Claudine Diana D. Bautista-Lim, PBA Rep. Margarita “Migs” Nograles, at MARINO Rep. Sandro L. Gonzalez.

Layunin ng programa na sakupin ang lahat ng 82 lalawigan sa buong bansa, dala ang adbokasiya ng “Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masayang Serbisyo Publiko.”

Ito ang ikatlong BPSF sa Davao region, kung saan ginanap ang pambansang paglulunsad ay sa Monkayo, Davao de Oro noong Setyembre 2023, at sa Tagum City, Davao del Norte noong Hunyo 2024.

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., ang head ng BPSF secretariat, P1.2 bilyon ang inilaan para sa mga serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal sa 250,000 benepisyaryo, kung saan 38 ahensya ang lumahok. Sa naturang halaga, P1 bilyon ang ipinamahaging tulong pinansyal para sa mga mahihirap na mamamayan.

Sinabi niya na mahigit 150,000 benepisyaryo ang nakatanggap sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD, habang 50,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng DOLE.

Halos 500,000 kilo naman ng bigas ang naipamahagi sa iba’t ibang benepisyaryo sa loob ng dalawang araw ng BPSF sa Davao City ni Speaker Romualdez, na nakikilala na bilang “Mr. Rice.”

“Marami tayong dapat ipagpasalamat at ipagdiwang. Nakaisang taon na ang BPSF at bilyun-bilyon na ang naipamigay ng administrasyong Marcos sa 2.5 milyong pamilyang Pilipino. Madami pa tayong aabutin sa mga susunod na araw at buwan, susuyurin natin ang lahat ng 82 na lalawigan,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binibigyan-diin sa BPSF ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at ng buong bansa upang matupad ang layunin Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos na walang Pilipino na maiiiwan.