Bitrics

Deliberasyon sa OVP budget kailangan — Luistro

50 Views

NANINDIGAN si Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na ipagpatuloy ang deliberasyon para sa budget ng Office of the Vice President (OVP) kung saan nanaig ang boto ng mayorya laban sa pagpapahinto nito.

Inilahad ni Luistro na ang mga proyekto ng OVP kailangang ipaliwanag sa Commission on Audit (COA) at sa publiko upang malaman kung naisakatuparan ang mga ito at kung saan napunta ang inilaan na badyet.

Sa huli, naipagpatuloy ang pagsusuri sa badyet ng OVP upang higit na maunawaan ng mayorya kung paano nagamit ang pondo ng tanggapan sa mga nakaraang taon bilang batayan para sa bagong hiling na badyet sa 2025.