UNGA Source: United Nations FB page

DFA Sec. magiging kinatawan ni PBBM sa UNGA — Chavez

Chona Yu Sep 12, 2024
66 Views

HINDI dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) sa UN headquarters sa New York sa Setyembre 22-23, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.

Ayon kay Chavez, si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang magiging kinatawan ng Pangulo sa UNGA.

Ilalahad ni Manalo ang tugon ng bansa sa mga pandaigdigang hamon na pinaniniwalaang dapat maresolba sa ilalim ng “framework of peace and cooperation” na nakasaad sa UN Charter.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagdesisyon si Pangulong Marcos na limitahan ang kanyang international trips hanggang katapusan ng taon.

Noong 2023, si Manalo rin ang nag represent kay Pangulong Marcos sa nasabing pagtitipon.

Ang Pilipinas ang isa sa 20 bansa na nagnanais na makipag-usap sa China sa sidelines ng UNGA para maresolba ang isyu sa mga pinag aagawang teritoryo.