Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Source: Zamboanga del Sur police
Provincial
IED sumabog sa Zambo del Sur, 2 patay
Zaida Delos Reyes
Sep 17, 2024
745
Views
DALAWANG tao ang patay sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) Martes ng madaling araw sa Tukuran, Zamboanga del Sur.
Nagkalasog-lasog at putol ang katawan ng isang biktima habang halos hindi na makilala ang mukha ng isa pa.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Batay sa ulat ng PNP, lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo at pagsapit sa barangay lower Bayao ay biglang sumabog ang IED na sinasabing nasa loob ng U-box ng motor.
Nadamay sa insidente ang isang utility service vehicle na kulay puti at mga tindahan na nasa paligid ng lugar.
Palaisipan naman sa pulisya kung bakit matapos ang insidente ay mabilis ding nawala sa lugar ang puting sasakyan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

