Sandro

Sandro Marcos nagpasalamat sa mga turo ni Rep. Romualdez

227 Views

Martin-SandroNAGPASALAMAT si Sandro Marcos kay House Majority Leader Martin Romualdez sa paghahanda nito sa kanya upang magampanan ang tungkulin sakaling manalo sa pagka-kongresista ng Ilocos Norte.

Sa opisyal na pagsisimula ng kanyang kampanya, sinabi ni Marcos, anak ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. na hinubog siya ng kanyang uncle upang malaman ang mga pasikot-sikot sa trabaho ng isang mambabatas.

“Higit sa lahat, dinala ko rin ang aking amo, ang aking boss, si House Majority Floor Leader Martin Romualdez,” sabi ni Marcos.

Kuwento ng nakababatang Marcos dalawang taon siyang nagtrabaho sa opisina ni Romualdez na nagbigay-daan upang maihanda ang sarili sa pagiging kongresista.

Si Marcos, na nagtapos ng kanyang master’s degree sa London School of Economics sa United Kingdom ay tumatakbong kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Norte.