Ptforms Termino ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez hindi na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Termino ng PTFoMS hindi na pinalawig

Chona Yu Sep 18, 2024
10 Views

HINDI na pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang termino ni Paul Gutierrez bilang pinuno o executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sa isang pahinang liham kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na miyembro ng task force, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin na napaso na ang termino ni Gutierrez.

Batay pa rin sa sulat ni Bersamin na may petsang Setyembre 12, ang ‘expiration of the tenure’ ni Gutierrez ay epektibo sa lalong madaling panahon.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Gutierrez sa imbestigasyon ng Quad Committee sa.Kamara kaugnay sa operasyon ng illegal na droga.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Gutierrez bilang pinuno ng PTFoMS noong Mayo 2023.