Calendar
Suporta sa Family Week hinikayat
WALANG pasok sa sangay ng ehekutibo sa Setyembre 23, 2024 simula 3:00 ng hapon.
Base sa Proclamation No. 326, ito ay para bigyan daan ang “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Nakasaad sa proklamasyon na laan ang ika-apat na Lunes ng Setyembre para sa naturang programa.
Hinihikayat ang mga kawani na suportahan ang mga programa at aktibidad na may kinalaman sa Family Week na inorganisa ng National Committee on the Filipino Family.
“This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family,” saad ng proklamasyon.
Subalit ang mga ahensiya na may kinalamang sa pagbibigay ng basic at health services, preparedness at response para sa mga kalamidad at disasters ay tuloy lang ang operasyon.
“The suspension of work in other branches of government, in independent commissions or bodies, and in the private sector is encouraged, so as to afford all Filipino families the full opportunity to celebrate the 32nd National Family Week.”