Karneng baboy posibleng tumaas ang presyo sa Pasko
Sep 24, 2024
Pabialahay, Grand Pasayo sentro ng pista sa GenTri
Sep 24, 2024
Calendar
Nation
PBBM tiniyak: Lab for All ni FL Liza Marcos walang ginagastos na gov’t fun
Chona Yu
Sep 24, 2024
11
Views
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang ginagastos na pondo ang pamahalaan sa Lab for All project ni First Lady Liza Marcos.
Katunayan, sinabi ni Pangulong Marcos na malaki ang tulong ng unang ginang sa pagbibigay serbisyo medikal sa mga liblib na lugar sa bansa.
Sinabi pa ng Pangulo na galing sa mga kaibigan ni First Lady ang pondo.
Pinagsasama sama aniya ang donasyon para maitaguyod ang proyekto.
Nagsimula ang Lab For All noon pang 2023 kung saan nagbibigay ng libreng konsultasyon at mga gamot.
Bukod sa mga medical mission at outreach programs sa iba’t ibang parte ng bansa ay kabilang din sa proyekto ng Lab for All ang pamamahagi ng Mobile Clinics na ipinadadala sa remote areas.
Karneng baboy posibleng tumaas ang presyo sa Pasko
Sep 24, 2024