Huli

Baril, droga nakuha sa 2 kelot na timbog sa Batangas

8 Views

DALAWANG lalaki ang naaresto noong Sabado at Biyernes ng mga pulis sa Lipa City at Tanauan, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr.

Nagsilbi ng search warrant bandang alas-5:30 ng umaga ang mga tauhan ng Tanauan City police sa Brgy. Trapiche 3, Tanauan City, Batangas na nagresulta sa pagkaka-aresto kay alyas Robert.

Inaresto siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Charito M. Macalintal-Sawali ng Regional Trial Court (RTC) Branch 66 dahil sa paglabag sa RA 10591 (Firearms and Ammunitions Regulation Act).

Isang cal. 22 revolver at tatlong bala ang narekober mula sa suspek, ayon sa imbestigador na si P/MSg Piscoso at P/SSg Coballes.

Samantala, bandang alas-5:00 ng umaga noong September 27 sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas, nag-serve ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Josephine C. Garcia-Borbon ng Municipal Trial Court (MTC) sa Bauan, Batangas laban sa suspek na si alyas Mark.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 38 na revolver, anim na bala, limang gramo ng shabu na may standard na presyo na P34,000 at isang improvised glass tube.