BBM Binisita nitong Biyernes ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Basco, Batanes matapos masalanta ng Bagyong Juan. Kuha ni YUMMIE DINGDING / PPA POOL

PBBM, Speaker Romualdez naghatid ng P40M ayuda sa nasalanta ni ‘Juan’ sa Bataness

Chona Yu Oct 4, 2024
47 Views

BBM1BBM2

AABOT sa P40 milyong ayuda ang hatid na tulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga biktima ng bagyong Julian sa Batanes.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng tulong sa Basco, sinabi ni Pangulong Marcos na mula kay House Speaker Martin Romualdez ang P15 milyon at galing naman sa Office of the President (OP) ang P25 milyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, maliban pa ito sa tig-P10,000 ayuda para sa bawat household o pamilya.

Namahagi rin ng libu-libong family food packs ang pamahalaan na naisagawa na bago pa tumama ang bagyo.

Sa naunang 14,000 food packs, sinabi ng Chief Executive na naipamigay na ang 7,000 habang may darating pang karagdagang 14,000 food packs para sa second round ng ayuda sa mga apektadong residente.

Kasabay nito, lubos ang pasasalamat ni Batanes Governor Marilou Cayco kay Pangulong Marcos sa pagmamahal sa mga mamamayan ng Batanes.