Alfamart

Alfamart hinoldap ng 2; P70K nalimas

36 Views

HINOLDAP ng dalawang suspek ang convenience store at tinangay ang P70,000 na benta nito sa Purok 1, Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas noong Huwebes.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng biglang pumasok ang mga suspek sa Alfamart outlet sa nasabing lugar habang nasa loob ang mga biktima na sina Nifchen Mendoza Gona, 23, cashier, at Myrna Baman Ruz, 45, store crew.

Tinutukan ng baril ang isa sa biktima at saka nagdeklara ng holdap. Inutusan ng mga suspek na buksan ang cash register at kaagad kinuha ang cash money.

Kinaladkad pa umano ng mga suspek ang dalawang biktima patungo sa storage room at inutusang buksan ang isa pang vault.

Sa takot ng mga biktima agad binuksan ang vault at kinuha ng mga suspek ang pera at tumakas na sakay ng grey Yamaha Mio Sporty patungo sa Brgy. Marawoy, Lipa City.