Suspek Matapos ang 17 buwang pagtatago, bumagsak sa kamay ng batas ang isang suspek sa robbery-holdap sa operasyon sa Cabanatuan City noong Sabado

Suspek sa rob-holdup timbog matapos magtago ng 2 taon

Steve A. Gosuico Oct 13, 2024
41 Views

CABANATUAN CITY–Naaresto noong Sabado ang isang suspek sa robbery-holdap sa lugar na ito ng mga pulis matapos ang halos dalawang taong pagtatago.

Nasakote sa kanyang hideout sa Brgy. Hermogenes Concepcion Sr. dakong alas-11:55 ng gabi ang suspek, ayon sa mga pulis.

Pinaniniwalaang nag-ooperate sa Nueva Ecija ang suspek, dagdag ng mga pulis.

“Sa robbery involved itong Martinez group at may informant tayo ginamit dito kaya po nasundan natin itong suspect,” sinabi ni Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya, sa Journal Group.

Ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand D. Germino, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa robbery na inisyu ng Iba, Zambales regional trial court branch 70.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang cal .38 na baril at tatlong bala.