Frasco4 Makikita sina First Lady Louise Araneta-Marcos, Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Taguig City Mayor Laarni Lopez Cayetano kasama si Agora Group CEO Hadi Malaeb sa ribbon cutting ng International Health and Wellness Tourism Congress sa Grand Hyatt Manila Bonifacio Global City sa Taguig.

DOT inilunsad Health and Wellness Tourism Congress

Jon-jon Reyes Oct 14, 2024
116 Views

PINATATAG ng Department of Tourism (DOT) ang posisyon ng Pilipinas sa paglulunsad ng International Health and Wellness Tourism Congress (IHWTC) noong Lunes sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at First Lady Louise Araneta-Marcos, kasama ang Agora Group CEO Hadi Malaeb, at Taguig City Mayor Laarni Lopez Cayetano ang ribbon cutting para opisyal na buksan ang Congress.

Sa temang Aruga: A Filipino-Inspired Gathering for Global Health and Wellness, itinatampok ng IHWTC ang natatanging diskarte ng Filipino sa wellness sa pamamagitan ng five senses.

Pinagsasama-sama ng kaganapan ang mga delegado mula sa 38 bansa upang tuklasin ang potensyal ng medikal at wellness na turismo sa Pilipinas.

Ang ikalawang edisyon ng IHWTC magbubukas hanggang Oktubre 15 na nag-aalok sa mga dadalo ng komprehensibong pagtingin sa umuusbong na industriya ng turismo.