Roque Mylah Roque

Mylah Roque nagtungo sa Singapore, nakalabas na ng PH

Chona Yu Oct 15, 2024
14 Views

NAKALABAS na ng bansa ang asawa ni dating Presidential spokesman Harry Roque na si Mylah Roque.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) spokesman Dana Sandoval na base sa record nagtungo si Mylah sa Singapore noong Setyembre 3.

Ayon kay Sandoval, agad na nagpalabas ng immigration lookout bulletin ang BI noong Setyembre 16.

Wala naman aniyang record na lumabas ng bansa si Harry Roque.

Ayon kay Sandoval, mayroon nang inilabas na immigration lookout bulletin ang BI laban kay Harry Roque noong Agosto 6.