Calendar

Nation
Marilyn Barua-Yap itinalagang bagong CSC chairperson
Chona Yu
Oct 17, 2024
171
Views
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Marilyn Barua-Yap bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Papalitan ni Yap si dating CSC chairman Karlo Nograles na nagbitiw sa puwesto dahil kakandidatong mayor ng Davao City sa May 2025 elections.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Yap noong Oktubre 16, 2024.
Tatagal ang termino ni Yap ng hanggang Pebrero 2, 2029.
Bago naitalaga sa bagong puwesto, nagsilbi si Yap bilang Secretary-General ng Kamara.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025