AGAP

AGAP Party-list nangakong patuloy na aaksyon, magbibigay ng positibong resulta

96 Views

MULING naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso.

Pinangunahan ni AGAP Party-List Congressman Nicanor “Nikki” Briones ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec).

Masayang ibinahagi ni Rep, Briones na sa pamamagitan ng kanyang isinulong na Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, wala ng maglalakas-loob na manamantala sa ating mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura sa kabuuan.

“Pinapangako pa lang ng iba, ginawa at patuloy na tayong umaaksyon at nagbibigay ng positibong resulta,” binigyang-diin ni Briones.

Ayon sa AGAP party-list congressman, suportado ng party-list ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagprayoridad nito sa seguridad sa pagkain ng mga Pilipino.

Matatandaan na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Macos ang nabanggit na batas ni Briones.

Sa ilalim ng batas ba ito, Ituturing na economic sabotage ang smuggling, hoarding, profiteering at cartel sa mga produktong agrikultural pati na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa lokal na produkto.

Paliwanang ng AGAP party-list solon, ang sinumang lalabag sa batas na ito ay posibleng maharap sa pagkakakulong o multa ng higit pa sa halaga ng produktong ginamit sa krimen.

Umaasa si Briones na masusing titignan at titimbangin maigi ng publiko ang track-record ng AGAP party-list sa pagpili ng kanilang party-list na iboboto.