Suspek

Lalaki inaresto dahil baril walang lisenya

Edd Reyes Oct 18, 2024
35 Views

TIKLO ang 22-anyos na lalaki dahil sa pagi-iingat ng hindi lisensiyadong armas noong Huwebes sa Navotas City.

Nadakip si alyas Buboy sa bisa ng search warrant galing kay Navotas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romana M.M. P. Lindayag Del Rosario ng Branch 287.
Naaresto ang suspek sa Brgy. NBBS Proper sa naturang lungsod dakong alas-2:35 ng hapon.

Nakuha sa loob ng bahay ni alyas Buboy ang kalibre .38 revolver at dalawang bala na gagamitin ng pulisya sa paghahain nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.