Rep. France L Castro House Deputy Minority Leader France Castro

Castro hiniling masusing imbestigasyon sa anomalya sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara

44 Views

NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ng isang komprehensibong imbestigasyon kaugnay ng napaulat na mga anomalya sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Ang hiniling na imbestigasyon ni Castro ay kasunod ng ibinunyag ng dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd na nakatanggap sila ng envelope na mayroong lamang pera mula kay Duterte at ang kuwestyunableng paggamit ng confidential funds.

“The allegations of cash gifts and misuse of funds at DepEd are deeply troubling and demand a thorough investigation. It is crucial to uphold integrity and transparency in our education system, which is fundamental to the development of our youth,” sabi ni Castro.

Sinabi ni Gloria Mercado na buwan-buwan siyang nakatanggap ng envelope na may laman na tig-P50,000 noong naging Head of Procuring Entity (HoPE) ng DepEd.

Ayon naman kay dating DepEd Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson Resty Osias, nakatanggap din siya ng mga sobre na may laman na P12,000 hanggang P15,000.

“The revelations by DepEd officials about receiving cash envelopes from high-ranking officials are alarming. Such practices, if true, constitute a serious breach of public trust and must be addressed with utmost urgency,” ani Castro.

“The education sector is already grappling with significant issues, including the perennial shortage of classrooms. Instead of addressing these challenges, the alleged corruption further undermines the quality of education that Filipino students deserve,” dagdag pa nito.

Nanawagan si Castro sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang isinusulong nitong imbestigasyon.

“We must unite in demanding accountability and ensuring that the resources meant for education are used appropriately and transparently. Our educators, students, and the Filipino people deserve nothing less,” sabi pa ng lady solon