Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Tulfo1

DML Tulfo, ACT-CIS partylist namahagi ng 50 kahon ng gamot vs lepto sa Angat Buhay Foundation ni Leni

24 Views

AABOT sa 50 boxes o 5, 000 kapsula ng Doxycycline na gamot sa leptospirosis ang ipinamahagi ngayon (Okt 30) ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist sa Angat Buhay Foundation ni dating Vice Pres. Leni Robredo.

Ang naturang gamot ay para maipakalat sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol region.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang tawag sa kanilang tanggapan ay ang problema sa leptospirosis dahil sa mga nakababad ang mga residente sa baha particular sa Bicol region.

“Karamihan po nang tumatawag sa atin at nagrereport sa social media at may problema sa leptospirosis kaya agad po kaming gumawa ng paraan para makakalap ng ng mga gamot para dito,” ani Tulfo.

Ayon pa kay Cong. Tulfo, “lumubog kasi ang maraming bahagi ng CAMSUR lalo na ang Naga City noong Bagyong Kristine at ang nakakatakot ang mga tao nababad sa baha”.

“Proteksyon o panangga ng mga tao laban sa leptospirosis ang mga gamot po na ito”, ani Tulfo.

Dagdag naman ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “hindi po kami mananawa na tumulong hanggat may nangangailangan ng ayuda…tutulong po ang ACT-CIS”.

“Malawak po ang bagyong ito kaya pati po sa northeen luzon at tinutulungan din po namin”, ani Cong. Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS partylist din.

Matatandaan na kamakailan ay aabot din sa 2,000 sako ng bigas at P1 milyon ang ipinamahagi nitong Oktubre 24 ni Rep. Tulfo at ACT-CIS partylist galling sa kanilang mga personal na pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

“Ito po yung konting ambag naming ng ACT-CIS tsaka ng Erwin Tulfo Action Center para sa mga kababayan natin po na binaha, binagyo po para makatulong po sa mga kababayan natin,” ani Tulfo sa pahayag.

Nakipagunayan din ang opisina ni Tulfo at ACT-CIS partylist sa tanggapan naman ng Angat Buhay Foundation ni dating VP Robredo para naman sa karagdagang 500 sako ng bigas.

Aabot din sa 500 sako pa ng bigas ang ipapakalat naman sa bayan ng Iriga at iba pang bayan sa Bicol region na grabeng nasalanta ng bagyo.

Nagpadala na rin si Rep. Tulfo ng P50, 000 cash para naman sa mga biktima ng bagyo sa San Guillermo Parish sa Talisay, Batangas.

Iginiit ni Tulfo na tuloy-tuloy ang pagtulong ng ACT-CIS partylist at Erwin Tulfo Action Center sa mga nasalanta ng bagyo.

“Ngayon naman ay nakatutok tayo sa posibleng tatamaan ng bagyong Leon na posible ring makaapekto sa ating mga kababayan. Kaya tuloy lang ang monitoring natin para agad tayong makapagpadala ng mga ayuda sa mga nangangailangan nating mga kababayan,” ani Tulfo.