BBM

PBBM deadma sa patutsada ni VP Sara

Chona Yu Nov 1, 2024
33 Views

AYAW nang patulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang banat ni Vice President Sara Duterte na ipahuhukay ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa puntod ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, sinabi nito na mas makabubuting hindi na magkomento.

“I’d rather not,” maiksing tugon ni Pangulong Marcos saa tanong ng mga mamahayag.

Kasama ni Pangulong Marcos na bumisita sa puntod ng dating Pangulo si First Lady Imelda Marcos.

Ayaw na rin pag-usapan ni Pangulong Marcos nang tanungin kung ano ang lagay ng pagkakaibigan nila ni Duterte.

“Let’s talk about it some other time,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kasabay nito, hangad ni Pangulong Marcos na maging mataimtim ang paggunita ng mga Filipino sa Undas.