Tai NHA General Manager Joeben A. Tai,

16th NHA caravan ginanap sa CDO

Jun I Legaspi Nov 1, 2024
34 Views

ISINAGAWA kamakailan ng National Housing Authority (NHA) ang 16th People’s Caravan: “Serbisyong Dala ay Pag-asa” sa Phase 1 Covered Court, Mambuaya Village, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental at mahigit 2,000 benepisyaryo ang nakinabang.

Ang caravan, isang inisyatiba ni NHA General Manager Joeben A. Tai, naglalayong ilapit ang iba’t-ibang programa at serbisyo sa mga benepisyaryo mula sa mga kalapit na komunidad.

Pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang programa kasama si Cagayan de Oro/Misamis Oriental/Camiguin District Office OIC Maria Madelyn Madrid.

Nakibahagi ang mga kalahok sa mga serbisyong dala ng 21 partner agencies ng pamahalaan.

Ang Department of Health (DOH) nag-alok ng libreng medical/dental mission, gamot at chest X-ray; habang pinalawig ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) 4th Infantry Division ang seguridad, emergency standby at rescue services.

Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang job fair na handog ng Public Employment Service Office (PESO)-Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinangasiwaan naman ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang orientation/seminar sa mga programa at serbisyo para sa Overseas Filipino Workers (OFW), kamalayan sa pananalapi at pagsasanay sa pamamahala ng maliliit na negosyo.

Nagdala rin ang caravan ng iba’t-ibang livelihood programs, food safety, skills enhancement at entrepreneurship trainings, business and capital consultancy, scholarship programs mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare at Development (DSWD), at Department of Science and Technology (DOST).

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na mag-apply para sa National ID at iba pang serbisyo sa civil registry tulad ng pagproseso ng Birth Certificate, Death Certificate, Certificate of No Marriage Record, Marriage Certificate sa Philippine Statistics Authority (PSA); membership registration at Loyalty Card issuance ng Pag-IBIG Fund; membership at pagbibigay ng PhilHealth ID; membership registration at pension concerns ng Social Security System (SSS); pagproseso ng police at NBI clearances sa Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation; pagpaparehistro ng mga botante ng Commission on Elections (Comelec); gayundin ang aplikasyon at pag-renew ng Driver’s License sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO).

Ang mga abot-kayang farm-to-market na produkto at bigas binenta din sa kaganapan sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) KADIWA on wheels.

Namigay din ng mga libreng binhi, fertilizers at IEC materials at nagsagawa din ng oryentasyon sa tulong pinansyal mula sa pagbabayad ng financial loan ng DA.

Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) nagbigay ng libreng onsite internet at wi-fi at isang oryentasyon ng eGOv Super App.

Ang Public Attorney’s Office (PAO) nagsagawa ng libreng legal na konsultasyon at mga serbisyong notaryo.