Duterte Pangulong Rodrigo Duterte: “Kaya nga wala kaming kandidato except of course my daughter so I have to mention her because she is my daughter ano man ang dynamics namin sa mga party nila anak ko yan eh so yun.”

PRRD si Mayor Sara lang ang ieendorso

166 Views

MINABUTI ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng mag-endorso ng presidential candidate upang maiwasan umano ang duda na ginagamit nito ang limitadong resources ng gobyerno para ipanalo ito.

Ayon kay Pangulong Duterte ang ieendorso na lamang nito ay ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pagkabise presidente.

“I’m just announcing wala akong kandidato sino man sa pagka-presidente. I remain neutral. Ang akin kasi eh presidente ako tapos magkampi ako ng isa magdududa yung ginagamit ko yung resources ng gobyerno, magulo na,” sabi ni Pangulong Duterte.

Nauna rito ay inendorso ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Duterte, presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. a running mate ni Mayor Duterte.

“Kaya nga wala kaming kandidato except of course my daughter so I have to mention her because she is my daughter ano man ang dynamics namin sa mga party nila anak ko yan eh so yun,” sabi pa ng Pangulo.