Calendar
Lamang man sa mga survey Mayor Inday ayaw pakampante
KAHIT malaki na ang kalamangan sa mga survey kaugnay ng vice presidential race, hindi pa rin titigil sa pangangampanya si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sinabi ni Duterte na walang kandidato na nakasisiguro ng panalo hangga’t hindi pa ito naipoproklama kaya tuloy lang siya at si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangangampanya hanggang sa huling araw.
“We are always running scared. Iyan dapat ang mindset namin, dahil walang kasiguraduhan ang pagkapanalo until ma-proclaim ka po,” sabi ni Duterte sa panayam sa Mexico, Pampanga.
Sinabi ni Duterte na naghahanda na rin sila para sa eleksyon at sa bilangan ng boto.
Muli ring nagpasalamat si Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na muling nagpahayag ng kanyang suporta sa kanya.