BBM Source: File photo

PBBM makikipagpulong kay UAE President Sheikh

Chona Yu Nov 23, 2024
56 Views

BIBIYAHE patungo ng United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay para sa isang araw na working visit sa Nobyembre 26.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), makikipagpulong si Pangulong Marcos kay UAE President, His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi sa Martes ng hapon.

“It is expected that these productive dialogues will lead to agreements that will deepen the ties between the two countries, forging areas of cooperation that mutually harness their shared values and common interests,” pahayag ng PCO.

Ipaabot din ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat sa pamahalaan ng UAE sa pagbibigay ng pagkakataon na maipakita ang talento ng Mg Filipino sa kanilang lugar.

“President Marcos will also convey to the UAE government the country’s gratitude for tapping Filipino talent for allowing it to flourish in an environment that fosters kindness, respect, and tolerance,” saad ng PCO.

Bagamat maiksing panahon lamang ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa UAE, sinabi ng PCO na makalikikha na ito ng masustansya at malakas na ugnayan ng dalawang bansa.

Humingi rin ng pang-unawa si Pangulong Marcos sa mga Filipino na nasa UAE na hindi niya makakasama ang mga ito.l dahil kailangan niyang agad na bumalik ng Pilipinas para atupagin at asikasuhin ang mga komunidad na sinalanta ng anim na magkakasunod na bagyo.

Karaniwang nakikipagpulong si Pangulong Marcos sa Filipino community sa mga bansang binibisita.