Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Calendar
Metro
Suspek sa pagpatay sa Laguna nasakote
Gil Aman
Nov 28, 2024
541
Views
CAMP BGEN Paciano, Rizal–Bumagsak sa kamay ng batas ang isang murder suspek sa manhunt noong Miyerkules sa Liliw, Laguna.
Sa ulat ng mga pulis kay Laguna Police acting Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, nahuli si alyas Raymark sa pamumuno ni P/Maj. Alajino Balaoro, acting chief of police ng Liliw, sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal dakong alas-4:00 ng hapon.
Natiklo ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 91, Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Sta. Cruz, Laguna.
Walang kaukulang piyansa na inirekomenda kapalit ng pansamantalang paglaya ng suspek.
“Sa pagkakaaresto sa akusadong ito, makakamit ng biktima ang hustisya para sa kanya at maging ng kanyang pamilya.
Tinitiyak din namin sa mamamayan ng Laguna na patuloy ang kapulisan sa pagtugis sa mga nagtatago sa batas para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong lalawigan,” sabi ni Unos.
PBBM veggies ipinamigay sa Pasay
Apr 19, 2026
3 kritikal matapos sumalpok jeepney sa poste sa QC
Apr 19, 2026
1 sa kambal todas, 3 sugatan sa banggaan ng motor
Apr 18, 2026
Lider ng CTG naaresto sa bus sa Pasay
Apr 18, 2026

