Sarah

Sarah Discaya nagpasalamat sa suporta ng pamilyang Pasigueño

44 Views

NAGPAPASALAMAT sa supporta na ipinapakita ng pamilyang Pasigueño nitong kapaskuhan si Sarah Discaya.

Sa isang survey na inilabas ng isang independent Survey and Opinion sa Fcebook, nakita ang bigla at tuloy tuloy na pag-angat sa survey ng matinding katunggali ng kasalukuyang mayor. Mula 2% sa survey, ngayon ay pumapalo na sa 16% ang boto ni Sarah Discaya at pataas pa.

Kilala siyang “Ate Sarah” sa Pasig dahil bukas ang kanyang palad na tumulong, at madaling lapitan ito ng mga Pasigueño. Maraming naitulong na ito sa mga nangangailangan na mga Pasigueño.

Iba’t ibang sektor din ang nag pakita at nag paramdan ng supporta kay Ate Sarah. “Ang survey na ito ay isang patunay na unti unti ng nagigising ang Pasigueño na may alternatibo na pwedeng mamuno sa Pasig. Patuloy natin tutulungan ang Pasigueño, at indikasyon ito na mas aangat pa tayo sa susunod na mga buwan”, saad ni Discaya sa isang panayam.

Ani ni Ate Sarah, “Hindi dapat pinapayagan ang corruption sa pamamahala ng gobiyerno. Pag aaruga, pagmamahal at pag-aasikaso sa mga suliranin ng bayan ang tunay na serbisyo publiko.”

Nais ni Ate Sarah iangat ang buhay ng pamilyang Pasigueño kung kaya ibabalik niya ang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pag alalay ng kalusugan, gamot, gamit ng mga mag aaral at iba pang benebisyo para sa mga Pasigueño. Makabago at moderno pati ang plataporma ni Discaya, tulad ng aerial firefighting (helicopter and Drone), Digital Public Health system, Health card insurance, Education for all including tertiary level at siguruhin na may WiFi connectivity saan man panig ng Pasig.