Villar

Villar walang balak kasuhan mga nagapakalat ng maling balita vs kanya

40 Views

WALA kahit katiting na balak si Senator Cynthia Villar na maghain pa ng kaso laban sa mga taong naninira at nagpapakalat ng maling balita laban sa kanya.

Inihayag ito ng Senadora matapos kumpirmahin sa kanya ng mismong hepe ng City Assessor’s Office ng Las Pinas City na wala silang nakabimbing bayarin sa amilyar tulad ng ipinakakalat ng mga taong nais siyang siraan sa social media dahil kung sasabihin aniya na may pagkukulang pa sila, babayaran niya ito.

Ayon sa Senadora, hindi na niya papatulan pa ang nagpapakalat ng fake news dahil baka sumikat pa aniya ito.

Hindi rin kinagat ng Senadora ang haka-haka na ang bantog at pilantropong negosyante ang nasa likod ng paninira sa kanya dahil bukod aniya sa matalino ito, maraming gustong maipasang batas ang negosyante kaya hindi ito gagawa ng paninira sa mga mambabatas.

Posible aniya na ginagawa ito ng kanyang kalaban upang magkaroon ng kredibilidad sa naturang negosyante upang makakuha ng pondo para sa kanyang pangangampanya.