Fuel

Gas sisirit ng 40 cents/liter; diesel mumura ng 50 cents/liter

Edd Reyes Dec 9, 2024
23 Views

MULING sisirit ng 40 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina at magtatapyas ng 50 sentimos kada litro ang presyo ng diesel simula alas-6:00 ng umaga ng Dec. 10

Sa abiso ng PTT Philippines, Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines at Total Philippines, ganito ang price adjustment ng kanilang mga produktong petrolyo.

May pagbabawas din sa presyo ng kerosene ang Petron, Shell, Chevron, Seaoil Philippines at Flying V ng 70 sentimos kada litro.

Maging ang Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum magpapatupad din ng dagdag-bawas sa diesel at gasolina sa kahalintulad na halaga simula alas-6:00 ng umaga.

Gaya ng dati, alas-4:00 ng hapon ang simula ng price adjustment ng Clean Fuel.

Binanggit ni PTT Philippines Media Relations Officer Jay Julian na lumobo ang pangangailangan ng malalaking bansa sa gasolina kumpara sa diesel.