Kasikatan, savings naglalaho
Jan 10, 2025
3 sasakyan nag-karambola sa QC; 10 sugatan
Jan 10, 2025
1 sugatan sa 2 sunog sa Manila
Jan 10, 2025
P7M na shabu nasabat sa 2 suspek na tulak
Jan 10, 2025
Calendar
Provincial
3 boy scouts utas sa jamboree sa Zambo City
Zaida Delos Reyes
Dec 12, 2024
79
Views
TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay at 12 pa ang isinugod sa ospital matapos makuryente habang nagka-camping sa Zamboanga City noong Huwebes.
Naganap ang jamboree sa Abong-Abong park sa Brgy. Pasonanca na dinaluhan ng 2,000 boy scouts mula sa iba’t- ibang high schools at elementary schools.
Ayon sa ulat ng PNP, inililipat ng mga biktima ang kanilang tent sa isang lugar nang aksidenteng tamaan ng isa sa mga metal pipe ang isang live wire na naging dahilan ng pagkaka-kuryente ng mga ito.
Isinugod ang mga biktima sa Zamboanga Medical Center subalit hindi na umabot ng buhay ang tatlo.
Iniutos na ni Mayor John Dalipe ang kanselasyon ng aktibidad na unang itinakda sa December 12-15.
3 authors na taga-Batangas nag-book launching
Jan 10, 2025
Suspek sa homicide arestado sa Balayan
Jan 10, 2025
P1M shabu nakuha sa drug suspek sa Laguna
Jan 9, 2025