POGO

Malakanyang pinapabilis na proseso sa pagbawi ng ari-arian ng POGO hubs

Chona Yu Dec 17, 2024
15 Views

MAY ginagawa nang paraan ang Palasyo ng Malakanyang para mapabilis ang proseso sa pagkuha sa mga gusali na ginamit bilang Philippine Offshore gaming Operators hub.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, bagamat may batas ukol sa forfeiture sa mga ari-arian na sangkot sa illegal na gawain, mabagal naman ang proseso nito.

Dadaan naman aniya ito sa due process at bibigyan ng pagkakataon ang mga may-ari na maidepensa.

“But we are already doing everything to hasten the process. Except that we have to give due process to whoever claims to be the owner of these assets. Hindi naman pwede na basta i-grab. But we have already a place, existing rules and regulations about forfeiture,” pahayag ni Bersamin.

Sinabi pa ni Bersamin na maraming paggagamitan ang gobyerno sa mga gusali.

Matatandaang ginamit ng Department of Social Welfare Program na lugar para sa feeding program ang nakumpiskang illegal POGO hub sa Pasay City.