VP Sara Vice President Sara Duterte

Satisfaction, trust ratings ni VP Sara bumulusok — Tangere

12 Views

BUMABA ang mga satisfaction at trust rating ni Vice President Sara Duterte ayon sa pinakahuling survey ng Tangere.

Nakapagtala si VP Duterte ng 45.5 porsiyentong satisfaction rating, bumaba mula sa 47.5 porsiyento. Pinakamataas pa rin ang satisfaction at trust ratings ng Bise Presidente sa Mindanao.

Tumaas naman ang dissatisfaction rating ni VP Duterte sa 36.5 porsiyento mula sa 36.8 porsiyento.

Ang trust rating naman ni VP Duterte ay bumaba sa 53.4 porsiyento mula sa 55.5 porsiyento. Ang kanyang distrust rating ay tumaas sa 27.0 porsiyento mula sa 26.5 porsiyento.

Ang pagtaas sa mga dissatisfaction at distrust rating nito ay bunsod ng nakuha nitong ratings sa Central Luzon, Northern Luzon, Southern Luzon at Metro Manila.

Sa kaparehong survey, umangat naman ang satisfaction at trust ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senate President Francis “Chiz” Escudero, Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ang survey ay ginawa mula Disyembre 16 hanggang 19 gamit ang mobile-based respondent application. Mayroon itong 2,000 sample size at margin of error na +/- 2.20 porsiyento at 95 porsiyentong confidence level.