Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Suspek

Suspek sa gahasa nagpasko sa loob ng selda

Edd Reyes Dec 26, 2024
520 Views

SA likod ng malamig na rehas nag-Pasko ang natiklong suspek sa kasong panggagahasa noong Martes sa Pasay City.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw nasukol ng mga tauhan ni Pasay police chief P/Col. Samuel Pabonita si alyas Nelson, 40, sa Welcome Plaza sa Brgy. 93 matapos ang ilang araw na monitoring sa kanyang galaw.

Nahuli siya ng pinagsanib na puwersa ng Pasay police substation 1, Station Intelligence Section at Warrant and Subpoena Section.

Sa ulat ni Pabonita kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena, miyembro ng grupong kriminal ang natimbog at sangkot sa ilegal na droga, gun-for-hire, panghoholdap at iba pang krimen.

Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest mula kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Jehan Batua Sampao-Hassiman ng Family Court Branch 11 dahil sa paglabag sa Article 266-A in relation to Article 266-B o rape.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Pasay police station si alyas Nelson habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Pasay City Jail.