Velasco1 House Secretary General Reginald Velasco

VP Sara patong-patong na ang problema

23 Views

MATAPOS alisin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng National Security Council (NSC) kamakailan, ikinakasa naman daw ngayon ang ika-apat ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo sa Kongreso.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, “Ilang miyembro ng mayorya sa Kongreso ang nagpahiwatig na maghahain ng ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise-Presidente”.

Tumanggi si Sec. Gen. Velasco na pangalanan ang mga nasabing mambabatas na planong maghain ng isa pang impeachment versus Sara.

“Actually ang gusto nga ng ilan umusad na kahit isa lang sa naunang tatlong impeachment complaint laban kay VP pero hindi ba ayaw na ni PBBM ito ituloy”?, dagdag pa ni Velasco.

Ngunit hindi naman bahagi o sa ilalim ng Ehekutibo ang Kongreso para sundin ang nais ng Malacanang.

Nag-ugat ang mga reklamo kay VP Sara dahil hindi nito maipaliwanag kung saan ginasta ang P125 million na confidential funds nito noong taong 2023.

At noong nakaraang Linggo inalis si Sara bilang miyembro ng NSC ni PBBM.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin bahagi ng reorganisasyon ng nasabing grupo ang ginawa ng Pangulo.

“The reorganization is a presidential prerogative ang nobody should question about that”, ani Sec. Bersamin.