Calendar

Provincial
Pulis vs crime suspek: 1 utas, 3 sugatan, 5 nailigtas
Jon-jon Reyes
Jan 12, 2025
195
Views
PATAY ang umano’y miyembro ng grupong kriminal, sugatan ang tatlong pulis at nailigtas ang limang biktima sa police operation sa Pido Ext., Brgy. East Awang, Calbayog City, Samar noong Sabado.
Ayon sa report, patay si Ricardo alyas Edar na umano’y miyembro ng Wahingon Criminal Gang.
Bandang alas-2:30 ng madaling araw ng ikasa ang operasyon sa tulong ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company at Special Action Force.
Nagpaputok ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Narekober ng mga pulis ang 1 Rifle na 5.56 mm, 1 kalibre .45 pistol, 2 38 cal. revolver, 3 hand radio, mga bala at mga sachet ng ilegal na droga.
Pampanga cops rumemate; 8 arestado
May 10, 2025
Aragones No. 1 sa survey sa kabila ng mga paninira
May 10, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025