Calendar
Biktima ng kalamidad nabigyan ng P361M ng NHA
UMABOT sa P361 million ang naipamahaging Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang Pilipino noong 2024 na naapektuhan ng matinding kalamidad.
“The NHA is one with President Bongbong Marcos Jr.’s commitment to aiding the housing needs of our Filipino families through our various” programs and services,” sabi ni General Manager Joeben Tai.
Sa ilalim ng EHAP, nagbibigay ang NHA ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol at pagbaha.
Ang programa naglalayong tulungan ang mga benepisyaryo na magsimula mula sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga tahanan.
Kamakailan lang, nagbigay ng pamaskong handog ang NHA Region XI bilang regalo sa 35 pamilya mula sa Tarragona at 2 pamilya mula sa Lupon na pawang biktima ng sunog sa Davao Oriental.
Bilang kinatawan nina NHA GM Tai at Regional Manager Engr. Clemente Dayot, iniabot ni NHA District 2 Officer-In-Charge Gerold Namoc ang cash assistance na tig-P10,000 bawat pamilya.