Calendar
PBBM: Ayuda sa magsasaka bilisan
PINABIBILISAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka para masiguro na matutugunan ang agwat ngayong panahon ng pagtatanim
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa DA sa economic meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
“There should be no significant delays to the implementation of agri-support to farmers,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Inatasan din ni Pangulong Msrcos ang Department of Budget and Management (DBM) na tiyakin na maibibigay ang budget at maayos na nasusuportahan ang sektor ng agrikultura.
“Be mindful of the planting season. Huwag tayo maiiwanan sa planting season. That’s why you need to come up with the timely budgetary support,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Tiniyak ng DA kay Pangulong Marcos na tataas ang ani ngayong taon kung mabibigyan ng sapat na abono, magandang kalidad ng binhi at mga teknolohiya ang mga magsasaka.
“Increased rice production supports job creation across the value chain, farm laborers, transporters, millers, and traders, stimulating rural economies,” pahayag ng DA.