Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Mga miyembro ng Kamara pinuri matatag na approval rating ni Speaker Romualdez

23 Views

NAGKAISA ang mga lider ng Kamara de Representantes, quad committee at mga miyembro ng Young Guns sa pagbibigay papuri kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa nakuha nitong mataas na public approval ratings, na iniuugnay sa mga tagumpay na naabot ng Mababang Kapulungan at inklusibo at matatag na pamumuno nito.

Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, kahanga-hanga ang kakayahan ni Speaker Romualdez sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa mga political parties.

“Speaker Romualdez leads by example—masipag, masinsin magtrabaho at nakatuon sa kapakanan ng mga Pilipino. His leadership encourages everyone in the House to follow his lead in working tirelessly for the people,” ayon sa mga mambabatas.

Binigyang-diin ng mga mambabatas na sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naipasa ng Kamara ang mga mahahalagang batas.

“Many of these laws are landmark legislation and reflect on a legislative body that is efficient, effective and dedicated to the needs of the Filipino people,” sabi nila.

Ayon sa Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research mula Nobyembre 10–16, 2024, si Speaker Romualdez ay nakakuha ng trust rating na 58 porsyento at performance rating na 59 porsyento.

Kinilala naman nina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Joseph Stephen “Caraps” Paduano, Bienvenido “Benny” Abante at Romeo Acop ng quad comm si Speaker Romualdez sa pagpapahalaga nito sa pananagutan at mabuting pamamahala, sa pamamagitan ng pinatibay na mga tungkulin sa pagsusuri at pangangasiwa.

“Speaker Romualdez ensures transparency and integrity in governance. His guidance has allowed us to investigate and address critical issues such as agricultural smuggling, anomalies in power costs and the misuse of public funds,” ayon pa sa mga pinuno ng quad comm.

Binigyang-diin ng mga pinuno ng mega panel ang mga kasalukuyang imbestigasyon tungkol sa hindi tamang paggamit ng mga confidential fund, maging ang mga pagsisiyasat hinggil sa mga iligal na Philippine offshore gaming operation (POGO) na may kaugnayan sa financial crimes at iba pang iligal na gawain.

“These investigations reflect the Speaker’s commitment to ensuring that public funds and resources are used responsibly,” dagdag ng grupo.

Sa bahagi naman ng Young Guns ng Kamara, kabilang na sina Reps. Pammy Zamora, Zia Alonto Adiong, PM Vargas, Ernesto “Ernix” Dionisio Jr., Lordan Suan, Rodge Gutierrez, Jude Acidre, Jay Khonghun, Inno Dy V, Paolo Ortega V, Jil Bongalon, Mika Suansing, Migs Nograles at Cheeno Almario, pinasalamatan ng mga ito si Speaker Romualdez sa kanyang paggabay at inklusibong pamumuno.

“Speaker Romualdez empowers us to contribute meaningfully to the legislative process. He inspires the younger generation of lawmakers to actively champion the causes closest to the hearts of our people,” saad pa nila.

Kinilala rin ng mga batang kongresista ang papel ni Speaker Romualdez sa pagtutok upang matiyak na ang kanilang mga inisyatiba para sa kabataan at mga sektor na nasa laylayan ay nabibigyang pansin sa lehislatura.

“Sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez, nagkaroon kami ng mas malaking boses para itaguyod ang aming mga adhikain at saloobin, kasama na ang aming mga ipinaglalabang panukalang batas,” giit pa ng mga mambabatas.

Sa pamumuno ni Speaker Romualdez, nakamit ng Kamara ang mga makasaysayang tagumpay sa lehislasyon, nakapagproseso ng mahigit 4,760 mga panukala, at napagtibay ang 166 batas sa loob ng 178 araw ng sesyon.

Kabilang dito ang mga mahahalagang reporma sa edukasyon, kalusugan at pagbangon ng ekonomiya na may direktang epekto sa milyun-milyong mga Pilipino.

Kabilang sa mga naging prayoridad ng Kamara de Representantes ang mga panukalang naglalayong suportahan ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs), paunlarin ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat, at palakasin ang kahandaan sa kalamidad sa pamamagitan ng isang National Flood Control Plan.

Si Speaker Romualdez ay naging mahalagang bahagi sa pagsusulong ng mga panukalang batas na ito.

“Speaker Romualdez’s unity-driven leadership transcends political affiliations. Ang mahalaga sa kanya ay mabigyan ng konkretong solusyon ang mga problema ng ating bayan,” ang nagkakaisang pahayag ng mga kongresista.

Pinuri rin ng mga mambabatas ang mga pagsisikap ni Speaker Romualdez upang mapanatili ang isang nagkakaisa at maayos na working environment sa Mababang Kapulungan.

“Speaker Romualdez ensures that every voice is heard, making the House of Representatives a platform for collaboration and nation-building,” ayon pa sa mga mambabatas.

“He leads not only with vision but also with action. He has set a standard for leadership that inspires everyone to work harder for the Filipino people,” dagdag pa nila.