Dodo Racelis

Batangas politicians dumalo sa Housing Expo ’25

10 Views

GINANAP ang Batangas Housing Expo 2025 noong Enero 14 sa The Outlets Lipa, Lipa-Malvar, Batangas na dinaluhan ng mga housing developers, property specialists, real estate professionals at builders.

Kinatampukan ng iba’t-ibang housing initiatives na tutugon sa pagkakaroon ng maayos, moderno at low-cost na pabahay ang expo.

Kabilang sa tinalakay ang mga makabagong pamamaraan o innovative technology and solutions tulad ng paggamit ng solar power.

Nakasama ni Gov. Dodo Mandanas sa pagtitipon sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Provincial Tourism and Cultural Affairs Head Dr. Katrin Buted at Provincial Planning and Development Office OIC Marisa Mendoza.

Nakiisa rin ang mga kinatawan at opisyal ng Department of Migrant Workers Region IV-A, Department of Human Settlements and Urban Development Region IV-A, Department of Trade and Industry-Batangas at mga opisyal ng pamahalaang panlungsod ng Lipa kasama ni Mayor Eric Africa.