Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nag-grand selfie sina Lakas-CMD/HNP vice presidential and Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang ka-tandem na si presidential frontrunnee Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasama ang kanilang libo-libong tagasuporta sa UniTeam Grand Campaign Rally sa Taguig City. Kuha ni VER NOVENO
Nation
BBM tumaas pa sa MB-Tangere survey
Ryan Ponce Pacpaco
Apr 25, 2022
578
Views
DALAWANG linggo bago ang eleksyon, mas tumaas pa ang voter preference rating ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. batay sa MB-Tangere presidential survey.
Sa resulta ng survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang 22, si Marcos ay nakakuha ng 51 porsyentong voter preference.
Sa survey noong Abril 6, si Marcos ay nakapagtala ng 48 porsyento.
Pumangalawa naman si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 20 porsyento mas mababa kumpara sa 24 porsyento na nakuha nito sa mas naunang survey.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 18 porsyento o bumaba ng dalawang puntos mula sa 20 porsyento.
Sumunod naman si Sen. Manny Pacquiao na may apat na porsyento at Sen. Panfilo Lacson na nakapagtala ng tatlong porsyento.

