Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Pilipinong hitik sa skills, competencies target ni Vargas sa darating na hinaharap

Mar Rodriguez Jan 29, 2025
112 Views

BINIGYANG DIIN ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang kaniyang paninindigan at commitment na tulungan ang mga Pilipino na maging hitik sa kaalaman sa larangan ng skills at competencies.

Sinabi ni Vargas na ito ang kaniyang “target” ang maging hitik ang talento ng mga Pilipino sa darating na hinaharap sa larangan ng skills at competencies sa gitna ng pagpasok at hamon ng tinatawag na “technological evolution” sa kasalukuyang panahon.

“Empowering Filipinos through continues education will enable them to adapt, innovative and excel in evolving global landscapes. Hindi na talaga mapipigilan ang pag-usbong ng teknolohiya sa kasalukuyang modernong panahon,” sabi ni Vargas.

Nabatid din kay Vargas na inihain nito sa Kamara de Representantes ang mga panukalang batas na naglalayong mas lalo pang paigtingin ang kakayahan o skills ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya partikular na para sa mga kabataan.