Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Boga Ang 9mm na baril na kagaya ng pinaputok ng suspek sa Cabuyao, Laguna.

Lalaki nagpaputok ng boga arestado

Gil Aman Feb 2, 2025
13 Views

SWAK sa rehas na bakal ang 56-anyos na lalaki matapos magpaputok ng baril na ikinasindak ng mga tao sa Brgy. San Isidro, Cabuyao City, Laguna noong Sabado.

Mahahanap sa kasong paglabag sa alarm and scandal, paglabag sa RA 10591 at violation ng Omnibus Election Code ang suspek na kinilalang si alyas Diel, ayon sa mga pulis.

Ayon sa Cabuyao police, dakong alas-4:10 ng hapon nasa bahay ang lalaking complainant ng biglang makarinig ng putok mula sa bahay ng suspek.

Dahil sa pangyayari humingi ng assistance sa security ng subdivision na agad naaresto saka dinala sa Cabuyao police.

Nabawi sa suspek ang 9mm na baril, isang magazine na may 5 bala at itim na holster.

Isasailalim sa ballistic examination ng pulisya ang kumpiskadong baril habang nakapiit ang suspek sa Cabuyao City jail.