Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
NHA

Gender, livelihood training inilunsad ng NHA

Jun I Legaspi Feb 2, 2025
18 Views

NAGLUNSAD ang National Housing Authority (NHA)-Rizal District Office ng Gender Sensitivity Training (GST) at Serbisyo kay Juana o Kitang Pangkabuhayan Training noong Enero 31 sa Southville 9 Housing Project, Phases 5A & 6, at Virgen Dela Paz Housing Project sa Rizal.

Naglalayon ang event na palakasin ang kamalayan sa kasarian at pag-unlad sa mga benepisyaryo ng pabahay na nilahukan ng 30 indibidwal.

Sa kabilang banda, ang Serbisyo kay Juana o Kitang Pangkabuhayan Training, na nakatuon sa economic empowerment at pagpapalakas ng partnership sa mga benepisyaryo/komunidad, dinaluhan ng 50 kalahok.

Ang pagsasanay sa pagproseso ng karne, partikular ang paggawa ng longganisa at hamburger patty, gayundin ang sesyon ng pagpapaunlad ng negosyo, ang main activity ng event.

Ang mga hakbangin bahagi ng inaprubahang 2024 GAD Plan and Budget.