Medialdea

May 3 idineklarang holiday

183 Views

Idineklarang holiday ng Malacañang ang May 3 bilang pagkilala sa Eid al-Fitr, isa sa pinakamahalagang araw para sa mga Muslim.

Inanunsyo ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na sabihin ng Bangsamoro Darul-Ifta’, ang Islamic religious authority ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ang Eid’l Fitr o Feast of Breaking the Fast ay magsisimula ng Mayo 2.

Walang regular na petsa ang holiday na ito at nakabase sa lunar-based Islamic calendar.

Ginawang holiday ng araw na ito sa ilalim ng Republic Act 9177 na naisabatas noong 2002.