sara

Mayor Sara hindi natinag sa number 1 spot ng Laylo survey

370 Views

NANGUNGUNA pa rin sa vice presidential survey ng Laylo si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nakakuha si Duterte ng 62 porsyentong voter preference sa survey noong Abril, tumaas ng dalawang puntos kumpara sa resulta ng Laylo survey noong Marso.

Malayong pumapangalawa si Senate President Vicente Sotto III na nakapagtala ng 18 porsyento.

Pangatlo naman si Sen. Francis Pangilinan na may 12 porsyento na sinundan ni Doc Willie Ong na may 4%.

Si House Deputy Speaker Lito Atienza ay nakakuha naman ng 1 porsyento samantalang ang iba pang kandidato ay 0.4 porsyento.

Mayroong tatlong porsyentong undecided sa mga respondent.

Ginawa ang survey mula Abril 14-20 at kinuha ang opinyon ng 3,000 respondent.