BBM

BBM namayagpag sa OCTA Research

216 Views

MULING namayagpag si UniTeam presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa survey ng OCTA Research.

Sa survey na isinagawa mula Abril 22 hanggang 25, nakakuha si Marcos ng 58 porsyento o mahigit kalahati ang pumili sa kanya.

Malayong pumapangalawa naman si Vice Presidenti Leni Robredo na nakakuha lamang ng 25 porsyento.

Siya ay sinundan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may 8 porsyento, Sen. Manny Pacquiao na naka-5 porsyento, at Sen. Panfilo Lacson na nakakuha ng 2 porsyento.

Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng 1 porsyento pababa.